Taunang Plano ng Serbisyo
Dahil may mga kamakailan at nalalapit na pagbubukas ng Link light rail, magkakaroon ng mga pagbabago sa kasalukuyang serbisyo ng ST Express bus sa taglagas ng 2026. Alamin ang maaaring maging epekto ng mga pagbabagong ito sa iyo.
Talaan ng Nilalaman
- Plano ng Serbisyo sa 2026
- Silangang King County
- Hilagang King County at Snohomish County
- Timog King County at Pierce County
- Pagsusuri ng Title VI
Hilagang King county at Snohomish county
Kapag tuluyan nang magbukas sa 2026 ang 2 Line, ang mga tren ng 1 Line at 2 Line ay parehong tatakbo kada 8-10 minuto sa araw, at kada 12-15 minuto sa gabi at madaling araw. Dahil dito, madodoble ang kasalukuyang serbisyo ng Link sa pagitan ng Snohomish County at downtown Seattle, na may serbisyo sa seksyong ito kada 4-5 minuto. Bilang karagdagan, ang parehong mga tren ng 1 Line at 2 Line ay titigil sa bagong Istasyon ng Pinehurst.
Kung kasalukuyan kang sumasakay sa ST Express sa Hilagang King County o Pierce County, posibleng mag-iba na ang biyahe mo sa taglagas ng 2026 pa lang. Maaaring kasama sa mga pagbabago ang:
- Pinahusay na serbisyo ng bus sa gabi.
- Mga bus na kumokonekta sa lumalawak na network ng Link light rail.
- Pagbabago sa mga iskedyul ng ruta ng bus.
- Mas madalas at maaasahang serbisyo sa buong araw- darating ang mga tren ng Link humigit-kumulang kada 8-10 minuto sa pagitan ng 6 a.m. at 9 p.m.
- Mas maraming upuan at mas malaking kapasidad sa pangkalahatan.
- Mas maraming koneksyon sa mas maraming lugar sa buong rehiyon.
Bagong serbisyo | Pinahusay na serbisyo | Binagong serbisyo | Inalis na serbisyo | Walang pagbabago sa serbisyo |
---|---|---|---|---|
|
*Nagseserbisyo rin sa silangang King County ang mga Ruta 522, 532, at 535
Sagutan ang Survey sa ST ExpressSa kasalukuyan, tumatakbo ang mga tren ng 1 Line sa Istasyon ng Lynnwood City Center kada 8-10 minuto sa araw at kada 12-15 minuto kapag dis-oras ng gabi at madaling araw.
Kapag binuksan ng 2 Line ang Crosslake Connection sa unang bahagi ng 2026, ang mga tren ng 2 Line ay bibiyahe sa pagitan ng istasyon ng Lynnwood City Center at istasyon ng Downtown Redmond. Ang dalawang tren ng Link ay makakadagdag sa serbisyo ng tren sa araw sa pagitan ng Lynnwood City Center at downtown Seattle at magiging kada 4-5 minuto.
Mula sa Istasyon ng International District/Chinatown, patuloy na tatakbo ang mga tren ng 1 Line patimog hanggang sa SeaTac/Airport at Federal Way. Ang mga tren ng 2 Line ay tatakbo pasilangan mula Seattle hanggang Mercer Island, Bellevue, at Redmond na dumaraan sa Crosslake Connection. Ang mga biyahero ng 2 Line ay puwedeng lumipat sa tren ng 1 Line sa alinmang istasyon mula Lynnwood City Center hanggang International District/Chinatown.
Makakaasa ang mga biyahero na ang biyahe mula Lynnwood hanggang downtown Seattle ay aabutin nang 28 minuto at ang biyahe mula Mountlake Terrace hanggang Sea-Tac Airport ay aabutin nang humigit-kumulang 56 na minuto.
Bukod pa rito, ang bagong Istasyon ng Pinehurst ay tinatayang magbubukas sa 2026, na magseserbisyo sa 1 Line at 2 Line. Ang Istasyon ng Pinehurst ay nasa kanlurang bahagi ng 5th Ave NE at 130th St sa Seattle. Ang istasyon ay magseserbisyo sa lumalaking lugar sa pagitan ng kasalukuyang mga istasyon ng Northgate at Shoreline South/148th.
Nagbibigay ang Sound Transit, sa kasalukuyan, ng serbisyo ng ST Express sa pitong ruta papuntang Everett, Seaway, Ash Way, Lynnwood, at Mountlake Terrace.
Nagseserbisyo ang mga rutang ito ng ST Express sa humigit-kumulang 6,000 na biyahero araw-araw; halos kalahati lang ng mga biyahero ang gumagamit sa ruta 512 at 535. Ang Ruta 512 ay nagbibigay ng madalas na serbisyo nang buong araw, araw-araw sa pagitan ng Everett at Lynnwood City Center. Nagpapatakbo ang Ruta 535 Lunes hanggang Sabado sa pagitan ng Lynnwood at Bellevue. Nagbibigay ang Ruta 510, 513, 515, at 532 ng mga dagdag na serbisyo tuwing weekday sa mga peak na oras.
- 510 // Everett – Seattle
- 512 // Everett – Lynnwood
- 513 // Seaway – Lynnwood
- 515 // Lynnwood – Seattle
- 522 // Woodinville – Roosevelt
- 532 // Everett – Bellevue
- 535 // Lynnwood – Bellevue
Ang pagpapatupad sa mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.
Magdagdag ng bagong overnight na ruta sa panrehiyong network
Kapag hindi tumatakbo ang Link, may bagong ruta ng ST Express na magseserbisyo sa pagitan ng Everett at Downtown Seattle, na hihinto sa South Everett, Lynnwood, Mountlake Terrace, Shoreline, Northgate, at University of Washington.
Ano ang epekto nito sa mga pasahero?
Ang mga pasahero ay magkakaroon ng access sa bagong overnight na serbisyo kapag hindi tumatakbo ang Link. Ang mga pasaherong kasalukuyang bumibiyahe sa gabi patungo sa ibang destinasyon sa Ruta 512 sa pagitan ng Everett at Lynnwood at 1 Line Lynnwood at Downtown Seattle ay makakarating sa kanilang mga destinasyon gamit ang ST Express bus.
Tutukuyin pa ang haba ng oras ng serbisyo at dalas ng bagong serbisyong ito.
Pagandahin ang Ruta 513 at itigil ang serbisyo sa Eastmont Park & Ride
Magdaragdag kami ng northbound na serbisyo sa Ruta 513 sa AM peak at ng southbound na serbisyo sa PM peak. Hindi na rin hihinto sa Eastmont Park & Ride ang Ruta 513.
Ano ang epekto nito sa mga pasahero?
Ang mga tao na bumibiyahe patungong Seaway Transit Center sa AM at sa Lynnwood sa PM ay magkakaroon ng opsyon na gamitin ang bagong bi-directional na serbisyo sa Ruta 513.
Para sa mga kasalukuyang biyahero na gumagamit sa Eastmont Park & Ride, puwedeng maging alternatibo ang Istasyon ng South Everett Freeway. Ang mga Ruta 903/904/905 ng Community Transit at Ruta 512 ng ST ay nagseserbisyo sa South Everett at nagtutungo sa Istasyon ng Lynnwood City Center.
Time of Day | Early AM 12 - 6 a.m. |
AM Peak 6 - 9 a.m. |
Midday 9 a.m. - 3 p.m. |
PM Peak 3 - 6 p.m. |
Evening 6 p.m. - 12 a.m. |
Hours of service |
---|---|---|---|---|---|---|
Weekday | 30* | 30* | 30* | 2 trips | 5 a.m. - 1 a.m. | |
Saturday | ||||||
Sunday |
*Service increase
Pagpapalit ng ruta patungong Istasyon ng Shoreline South at pagpapaganda sa serbisyo
Ang Ruta 522 ay magpapalit ng ruta patungong Istasyon ng Shoreline South. Ang pagbabagong ito ay magiging pareho sa hinaharap na Stride S3 Line. Magiging mas madalas ang serbisyo kung saan magiging humigit-kumulang kada 15 minuto sa buong araw sa pagitan ng UW Bothell at Shoreline South at humigit-kumulang 30 minuto buong araw mula Woodinville.
Ano ang epekto nito sa mga pasahero?
Ang mga pasaherong sumasakay sa Ruta 522 sa hilaga ng NE 145th Street ay lilipat sa 1 Line o 2 Line sa Istasyon ng Shoreline South sa halip na Istasyon ng Roosevelt. Ang mga pasaherong bumibiyahe patungong timog ng NE 145th Street ay puwedeng sumakay sa bagong Ruta 72 o 77 ng King County Metro para sa serbisyo patungong Istasyon ng Roosevelt o University District.
Time of Day | Early AM 12 - 6 a.m. |
AM Peak 6 - 9 a.m. |
Midday 9 a.m. - 3 p.m. |
PM Peak 3 - 6 p.m. |
Evening 6 p.m. - 12 a.m. |
Hours of service |
---|---|---|---|---|---|---|
Weekday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 5 a.m. - 1 a.m. |
Saturday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 5 a.m. - 1 a.m. |
Sunday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 7:15 a.m. - 10:15 p.m. |
*Service increase
Pagandahin ang serbisyo ng Ruta 535 tuwing weekend
Bilang pagtugon sa feedback mula sa komunidad at alinsunod sa nakaraang pagpaplano, ang Ruta 535 ay magbibigay ng mas madalas na serbisyo tuwing Sabado at magpapatakbo tuwing Linggo. Ang serbisyo tuwing weekend ay magpapatakbo kada 30 minuto sa araw at kada 60 minuto sa gabi.
Ano ang epekto nito sa mga pasahero?
Magkakaroon ng mas madalas na serbisyo tuwing weekend ang mga biyahero.
Time of Day | Early AM 12 - 6 a.m. |
AM Peak 6 - 9 a.m. |
Midday 9 a.m. - 3 p.m. |
PM Peak 3 - 6 p.m. |
Evening 6 p.m. - 12 a.m. |
Hours of service |
---|---|---|---|---|---|---|
Weekday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 5 a.m. - 1 a.m. |
Saturday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 5 a.m. - 1 a.m. |
Sunday | 15* | 15 | 15 | 15 | 15-30 | 7:15 a.m. - 10:15 p.m. |
*Service increase
Alisin ang Pansamantalang Ruta 515
Ang Ruta 515 ay pansamantalang ruta kapag peak lang sa pagitan ng Istasyon ng Lynnwood City Center at Downtown Seattle. Noong una, ang ruta ay pansamantalang paraan para madagdagan ang kapasidad ng 1 Line hanggang sa ganap na nagbukas ang 2 Line. Nang maaprubahan ng Sound Transit Board of Directors ang Ruta 515, pinahintulutan ng Board ang CEO na itigil ang Ruta 515 kapag kumonekta ang 2 Line sa 1 Line sa Lake Washington.
Dahil sa nakaiskedyul na pagbubukas ng 2 Line sa Lake Washington sa 2026, na magreresulta sa mas madalas na serbisyo at dagdag na kapasidad sa pagitan ng Lynnwood City Center at Downtown Seattle, iminumungkahi naming ihinto ang Ruta 515 na magkakaroon ng bisa sa Taglagas 2026. Puwede na lang gamitin ng mga pasahero ang madalas na serbisyo sa Link, kung saan dumaraan ang mga tren kada 4-5 minuto sa araw sa pagitan ng Lynnwood at Seattle sa 1 Line at 2 Line.
Ano ang epekto nito sa mga pasahero?
Ang mga biyahero ay puwedeng sumakay sa 1 Line o 2 Line para makapunta pa rin sa parehong mga destinasyon.
Nakaraang pahina County ng East King Susunod na pahina Mga county ng South King at Pierce
Documents
- 2024 Service Plan Phase Two - ST Express Service Plan (PDF Document | 7MB) Updated 03/11/2024
- 2024 Service Plan Phase One - Rail Service Plan (PDF Document | 6MB) Updated 10/02/2023
- 2024 Service Plan - Title VI Service Equity Analysis (PDF Document | 17MB) Updated 10/02/2023
- 2023 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 9MB) Updated 02/01/2023
- 2022 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 20MB) Updated 02/01/2022
- 2018 Service Standards and Performance Measures (PDF Document | 8MB) Updated 05/28/2024
Connect with Service Planning
Phone: 206-553-3774
Email: servicechanges@soundtransit.org
Subscribe to updates: Keep up to date on the latest changes by joining our Service Planning email list.