Taunang Plano ng Serbisyo
Dahil may mga kamakailan at nalalapit na pagbubukas ng Link light rail, magkakaroon ng mga pagbabago sa kasalukuyang serbisyo ng ST Express bus sa taglagas ng 2026. Alamin ang maaaring maging epekto ng mga pagbabagong ito sa iyo.
Talaan ng nilalaman
County ng East King
Nagsimula ang serbisyo ng 2 Line sa pagitan ng Istasyon ng South Bellevue at Redmond Technology noong Abril 27, 2024. Sa Mayo 10, 2025, nagbukas ang 2 Line sa Downtown Redmond at Marymoor Village.
Sa unang bahagi ng 2026, makukumpleto ng 2 Line Crosslake Connection ang 2 Line sa pagitan ng downtown Seattle at Bellevue sa buong I-90 at Lake Washington. Ang 2 Line Crosslake Connection ay magsasama ng dalawang bagong istasyon sa Judkins Park at Mercer Island.
Ang mga tren ng 2 Line ay tatakbo sa pagitan ng Lynnwood City Center at Downtown Redmond tuwing 8-10 minuto sa pinaka-abalang oras at bawat 10-15 minuto sa natitirang bahagi ng araw, na nagsisilbi sa 26 na istasyon sa County ng East King, Mercer Island, Seattle, at County ng Snohomish.
Ang mga pagbabago sa ST Express ay hindi ipapatupad hanggang sa Taglagas ng 2026
Mga Mapa ng Serbisyo
Nagbibigay ang Sound Transit sa kasalukuyan ng serbisyo ng ST Express sa Redmond, Bellevue, Issaquah, at Bothell sa County ng East King. Nagseserbisyo ang anim na rutang ito ng ST Express sa humigit-kumulang na 15,000 na sumasakay araw araw; nasa 75% ang pinagseserbisyuhan ng ruta 545 at 550. Tumatakbo ang lahat ng mga ruta, maliban sa Ruta 556, nang buong araw, sa buong linggo sa parehong direksyon, at nagbibigay lang ang Route 556 ng dagdag na serbisyo sa mga pinaka-abalang oras tuwing weekday.
- 522 // Bothell/Woodinville–Roosevelt
- 542 // Redmond–University District
- 545 // Redmond–Seattle 5th Avenue
- 550 // Bellevue–Seattle
- 554 // Issaquah–Seattle
- 556 // Issaquah–University District
Sa oras na magbukas ang 2 Line Cross Lake Connection sa unang bahagi ng 2026, tatakbo ang mga tren bawat 8 minuto sa mga pinaka-abalang oras mula Downtown Redmond papuntang Lynnwood City Center na dumaraan sa downtown Seattle. Pagsasamahin ang serbisyo ng mga tren ng 2 Line at mga tren ng 1 Line sa pagitan ng International District/Chinatown at Lynnwood City Center, kung saan mas tataas ang pinagsamang dalas ng mga ito sa kada 4 na minuto sa mga pinaka-abalang oras.
Ang mga sumasakay ng 2 Line na gustong magpunta sa SeaTac/Airport o ang iba pang istasyon sa timog ng downtown Seattle ay dapat lumipat sa 1 Line sa International District/Chinatown. Makakaasa ang mga sumasakay na 13 minuto ang magiging biyahe mula sa Istasyon ng Redmond Technology papuntang Bellevue Downtown, at 25 minuto mula Bellevue Downtown papuntang Seattle.
Kung kasalukuyan kang sumasakay sa alinman sa mga ruta ng bus na nakalista sa itaas, puwedeng mag-iba ang hitsura ng iyong biyahe simula sa taglagas ng 2026 sa pinakamaaga. Maaaring kasama sa mga pagbabago ang:
- Mga bus na kumokonekta sa lumalawak na network ng Link light rail
- Mga ruta ng bus na may pagbabago na mga iskedyul
- Mas madalas at maaasahang serbisyo sa buong araw – dumarating ang mga tren ng Link nang humigit-kumulang kada 8-10 minuto mula 6 a.m. hanggang 9 p.m.
- Mas maraming upuan at mas malaking kapasidad sa pangkalahatan
- Mas maraming koneksyon sa mas maraming lugar sa buong rehiyon
Nakaraang pahina Plano ng Serbisyo sa 2026 Susunod na pahina Mga county ng North King at Snohomish
Documents
- 2024 Service Plan Phase Two - ST Express Service Plan (PDF Document | 7MB) Updated 03/11/2024
- 2024 Service Plan Phase One - Rail Service Plan (PDF Document | 6MB) Updated 10/02/2023
- 2024 Service Plan - Title VI Service Equity Analysis (PDF Document | 17MB) Updated 10/02/2023
- 2023 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 9MB) Updated 02/01/2023
- 2022 Service Plan adopted with Appendices (PDF Document | 20MB) Updated 02/01/2022
- 2018 Service Standards and Performance Measures (PDF Document | 8MB) Updated 05/28/2024
Connect with Service Planning
Phone: 206-553-3774
Email: servicechanges@soundtransit.org
Subscribe to updates: Keep up to date on the latest changes by joining our Service Planning email list.