SoundTransit

Taunang Plano ng Serbisyo

Ang mga nalalapit na pagbubukas ng Link light rail ay nangangahulugang posibleng magkaroon na kaagad ng mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express bus sa taglagas ng 2026. Alamin ang maaaring maging epekto ng mga pagbabagong ito sa iyo.

Talaan ng Nilalaman

Plano ng Serbisyo sa 2026

Panoorin ang aming video na “Ano ang Pagpaplano ng Serbisyo?” para matuto pa tungkol sa aming tungkulin sa Sound Transit

Pangkalahatang-ideya

Ang Taunang Plano ng Serbisyo ng Sound Transit ay nagtatakda ng mga priyoridad para sa mga paparating na pagbabago sa serbisyo. Kada taon, sinusuri ng mga planner ng serbisyo ng Sound Transit ang mga ruta batay sa sumasakay, mga trend sa performance, at iba pang pamantayan para matukoy ang mga babaguhin o idaragdag sa serbisyo.

Inihanda ng Sound Transit ang Plano ng Serbisyo sa 2026 para maisaalang-alang ang mga nalalapit na pagbubukas ng Link light rail at mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express bus sa hinaharap.

Pinal na Mga Mungkahi sa Serbisyo ng ST Express

Nagmumungkahi kami ng ilang pagbabago sa aming mga ruta ng ST Express na magpapadali sa network, gagamit sa mga panrehiyong puhunan sa high-capacity transit, at magpapahusay sa mga panrehiyong koneksyon.

Ang engagement team ng Sound Transit ay nakatanggap ng mahigit 8,000 tugon at komento sa survey sa walong wika mula sa engagement noong nakaraang taon. Isinaalang-alang namin ang lahat ng feedback noong ginagawa ang mga mungkahi sa serbisyo ng ST Express bus.

Nasa ibaba ang isang updated na buod ng mga mungkahi sa ruta ng ST Express na ipapatupad simula sa taglagas ng 2026. Mula noong nakaraang panahon ng engagement, in-update na ang mga rutang naka-highlight sa chart sa ibaba.

  • Ipapatupad simula sa taglagas ng 2026 ang mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express.
  • Ang pagpapatupad sa mga mungkahing ito ay napapailalim sa kapasidad sa pagpapatakbo sa aming mga partner na ahensya at posibleng hindi buong ipatupad o kaya ipagpaliban.
  • Walang malaking pagbabago sa serbisyo na iminumungkahi para sa mga sumusunod na ruta ng ST Express bus: 510, 512, 532, 542, 545, 560, 566, 577, 578, 590, 592, 594, 595, at 596.

Ang mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express sa Plano ng Serbisyo sa 2026 ay magsisimula sa taglagas ng 2026 bilang pinakamaagang panahon. Bagama't hindi kaagad masasanay sa mga pagbabago, mayroong ilang benepisyong naibibigay ang mga ito, kabilang ang:

  • Bagong serbisyo ng bus sa gabi.
  • Mga bus na kumokonekta sa lumalawak na network ng Link light rail.
  • Mga ruta ng bus na magsisimula nang mas maaga at/o matatapos sa mas huling bahagi ng araw.
  • Mas madalas at maaasahang serbisyo sa buong araw.
  • Mas maraming upuan at mas malaking kapasidad sa pangkalahatan.
  • Mas maraming koneksyon sa mas maraming lugar sa buong rehiyon.
  • Ang karamihan sa mga iminungkahing pagbabago ay magreresulta sa mas mabibilis na biyahe para sa mga biyahero ng bus.

Noong nakaraan, nagbahagi kami ng mga konsepto ng serbisyo na nagmumungkahi ng mga bagong paglilipat mula sa mga ruta ng bus patungo sa mga istasyon ng Link. Ang ilan sa mga ito ay magreresulta sa mas matatagal na biyahe. Sa mga konseptong ito, ipinagpalagay na babawasan o aalisin namin ang mga ruta ng ST Express na tumatakbo sa mga travel corridor kung saan tumatakbo ang light rail.

Sa aming mga aktibidad sa engagement at habang nakikilahok sa mga proseso ng South Link Connections at East Link Connections ng King County Metro, ang mga biyahero ay nagpahayag ng alalahanin tungkol sa mga palagay na ito. Nakatanggap kami ng maraming tanong tungkol sa mga bagong paglilipat, mga epekto sa tagal ng biyahe, at katatagan ng network.

Gumawa kami, nang may pagsasaalang-alang sa feedback na ito at may patnubay mula sa Sound Transit Board of Directors, ng mga bagong mungkahi para sa Plano ng Serbisyo sa 2026. Ang mga mungkahing ito ay magpapakilala ng mas maraming bahagyang pagbabago sa network. Kinikilala rin namin ang pangangailangan para sa holistikong pagpaplano ng network para matiyak ang pangmatagalang pagtakbo at pagiging abot-kaya.

Noong Abril 2025, sinimulan ng Sound Transit ang engagement sa Plano ng Serbisyo sa 2026, sa pamamagitan ng survey tungkol sa mga priyoridad sa serbisyo ng mga biyahero. Noong Oktubre at Nobyembre 2025, nagsagawa kami ng isa pang survey para makakuha ng feedback tungkol sa mga iminungkahing pagbabago sa mga partikular na ruta ng ST Express bus.

Isinaalang-alang namin ang lahat ng 8,000+ tugon sa survey, email, at komento sa walong wika mula sa aming engagement noong tagsibol at taglagas ng 2025 noong ginagawa ang mga mungkahi sa serbisyo ng bus sa Plano ng Serbisyo sa 2026. Mag-click dito para makita ang lahat ng napag-alaman sa survey para sa ST Express.

Sa aming survey para sa ST Express noong Oktubre/Nobyembre 2025, napag-alaman namin ang mga sumusunod:

  • May malakas na suporta para sa mga iminumungkahing overnight na ruta sa pagitan ng Everett-Seattle, Lakewood-Seattle, at Redmond-Seattle.
  • May sumusuporta sa mga iminumungkahing pagbabago sa ruta 513, 535, at 550.
  • May iba't ibang reaksyon para sa mga iminumungkahing pagbabago sa ruta 522, 574, at 580.
  • May tumututol sa mga iminumungkahing pagbabago sa mga ruta 515, 554/556, at 586, kung saan ang mga pangunahing dahilan ay ang tagal ng biyahe at access sa mga destinasyon.

Hinihikayat namin ang mga biyahero na isaalang-alang ang mas dumalas na serbisyo at mga pagbabago sa tinatayang tagal ng biyahe sa aming mga mungkahi sa serbisyo. Magagawa ng mga biyaherong kasalukuyang gumagamit sa mga pinalitang ruta o inihintong ruta na gamitin ang mga bagong koneksyon ng Link at ang mga bago o kasalukuyang lokal na ruta na pinapatakbo ng aming mga partner sa King County Metro, Pierce Transit, at Community Transit. Ang overnight na serbisyo ay magbibigay ng maagang biyahe sa AM para matugunan ang mga pangangailangan ng mga biyahero.

Dahil sa pagdalas ng serbisyo sa mga ruta, kabilang ang 556 at 574, mababawasan ang tagal ng paghihintay at mapapadali ang mga koneksyon sa mga bago, mas madalas, at mas malaking kapasidad na serbisyo ng Link light rail:

  • Ang Ruta 556 ay iminumungkahing tumakbo kada 15 minuto sa araw, at mula isang oras, magiging mas madalas ang serbisyo nito sa gabi at weekend na magiging kada 15-30 minuto na. Sa pamamagitan ng mungkahi, mapapaikli rin ang ruta patungong Istasyon ng Bellevue Downtown.
  • Iminumungkahing dalasan ang serbisyo sa Ruta 574 hanggang apat na biyahe sa isang oras sa parehong direksyon, buong araw, araw-araw. Sa pamamagitan ng mungkahi, mapapaikli rin ang ruta patungong Istasyon ng Federal Way Downtown.

Sa mga mungkahing ito, kakailanganing lumipat sa Link light rail para sa mga biyahe patungong Seattle sa 556 o patungong Seattle-Tacoma International Airport (SEA) sa 574. Magiging tuloy-tuloy ang serbisyo ng Link, na tatakbo kada 8-15 minuto mula madaling araw hanggang mga hatinggabi, pitong araw sa isang linggo.

Ano'ng Susunod

Sa Marso 2026, pagbobotohan ng Sound Transit Board of Directors ang Plano ng Serbisyo sa 2026. Kung aaprubahan ng Board ang mga pagbabago sa bus ay magsisimula sa taglagas ng 2026 bilang pinakamaagang panahon.

Timeline ng Plano ng Serbisyo

  • Survey para sa Mga Priyoridad ng Serbisyo sa Hinaharap

  • Magbibigay kami ng update tungkol sa mga karagdagang serbisyo ng Link Light rail na ilulunsad sa 2026

  • Bumuo ng mga konsepto ng serbisyo ng ST Express
  • Nagbahagi kami ng mga mungkahi para sa mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express bus at humingi kami ng feedback sa pamamagitan ng aming survey sa Ika-3 Yugto at sa mga in-person na open house

  • Suriin ang feedback sa survey
  • Iuulat naming muli ang napag-alaman namin sa Ika-3 Yugto at ibabahagi namin ang mga pinal na mungkahi para sa mga pagbabago sa mga ruta ng ST Express, na isasagawa sa taglagas ng 2026 bilang pinakamaagang panahon

  • Pagsusuri at Pag-apruba ng ST Board sa pinal na mga mungkahi sa pagbabago sa serbisyo ng ST Express

  • Pinakamaagang pagpapatupad ng mga pagbabago sa serbisyo ng ST Express


Susunod na pahina Buod ng Mga Mungkahi sa Serbisyo ng ST Express

Documents

Connect with Service Planning

Phone: 206-553-3774
Email: servicechanges@soundtransit.org
Subscribe to updates: Keep up to date on the latest changes by joining our Service Planning email list.

Ilagay ang iyong email address